Tagalog News: Karne ng kuneho, isinulong na alternatibo sa tinamaan ng ASF
By Shane F. Velasco Published on December 10, 2020
PULILAN, Bulacan, Disyembre 10 (PIA) — Sari-saring putahe ng karne ng kuneho ang magkakasabay na iniluto ng mga kinatawan ng 19 na barangay ng Pulilan.
Â
Ayon kay Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, layunin ng isinagawang  Kalutong Pulilenyo 2020 na mapaigting ang pagsusulong na maging alternatibo ang karne ng kuneho sa mga nag-aalaga ng baboy na tinamaan ng African Swine Fever o AF.
Â
Bukod dito, hangad ng pamahalaang bayan na maging unti-unti ang pagtangkilik sa karne ng kuneho upang mabawasan ang labis na pagdepende sa karne ng baboy.
Â
Ipinaliwanag ng punong bayan na hanggang sa ngayo’y ipinagbabawal pa ng Department of Agriculture ang pagpaparami ng Baboy hangga’t wala pang bakuna para sa mga ito laban sa ASF.
Â
Kabilang sa mga iniluto ang Festive Spicy Rabbit, Tapa Rabbit Inasal, Express Karneho, Fried Dumplings Rabbit, Spicy Rabbit Bringhe, Rabbit Siomai, Kalderatang Rabbit, Crispy Rabbit in Coconut Milk, Dakam Rab, Spicy Fried Karneho, Asadong Koneho, Adobong Koneho sa Gata, Rabbit Bicol Express at tinatambalan pa ng mga organikong inumin.
Â
Ipinaliwanag naman ni Municipal Tourism Officer Joseph Navarro na ang pagdaraos nitong Kalutong Pulilenyo na tampok ang mga putaheng karne ng kuneho ay isang simulain na maitaguyod ang Farm Tourism sa Pulilan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga Rabbit Farms.
Â
Kaugnay nito, hinikayat ni Montejo ang mga mamamayan ng Pulilan na subukang tangkilikin ang karne ng kuneho dahil mainam din ito sa kalusugan ng tao.
Â
Hindi aniya makapal ang taba nito kaya’t mababa sa kolesterol. Mayaman sa protein na dobleng higit sa amino acids na mayroon ang karne ng manok o baka. May taglay din itong vitamin B12, vitamin E, bahagyang Vitamin B at mataas sa iron concentration.
Â
Inirerekomenda rin ng punong bayan sa mga buntis ang pagkain ng mga kunehong pinalaki sa pamamagitan ng sistemang organiko, dahil ang maninipis na karne nito na may vitamins B12 ay nakakatulong sa normal na paglaki ng sanggol sa sinapupunan.
Â
Tamang-tama rin ito para sa mga may sakit na diabetes at hypertension dahil sa pagiging mababang laman na cholesterol at sodium. (CLJD/SFV-PIA 3)