Ang Parangal sa Mag-aaral ay dinaluhan ng mga Sulong Dunong iskolar, ito ay ginanap sa Pamahalaang Bayan ng Pulilan – La Veranda 3rd floor ngayong ika-20 ng Nobyembre sa kasalukuyang taon.
Ito ay ang programang handog ni Mayor Maritz Ochoa-Montejo (MOM) para sa mga piling kabataan sa Bayan ng Pulilan.
Ang Sulong Dunong Parangal sa Mag-aaral 2023 ay naisagawa sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).





