Dahil sa malakas at walang tigil na pag-ulan dala ng Bagyong #CarinaPH, ilan sa mga barangay sa bayan ng Pulilan ay binaha na nagdulot ng kanilang paglikas.
Bilang tugon, ang Lokal na Pamahalaan ng Pulilan Bulacan, sa pamumuno ni Mayor Maria Rosario-Ochoa Montejo, ay nagsagawa ng repacking ng relief food packs sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office at mga kinatawan mula sa DSWD Region III. Ang mga relief goods ay agaran ding ipamimigay sa mga benepesyaryong nasalanta ng bagyo.