“PULILAN PATULOY ANG PAGSULONG SA DIGITAL WORLD”

Nobyembre 7, 2016 – Katulad ng naka ugalain ay sinisimulan ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan ang unang araw ng linggo ng isang maigsing programa sa pamamagitan ng pagtataas ng watawat. Ngunit ang inakala ng lahat na isang ordinaryong araw ay magiging isang makasaysayang araw pala para sa mga mamamayan ng bayan ng Pulilan, Sapagkat sa araw na ito ay inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST), Deparment of Information, Communication and Technology (DICT) Katuwang ang Pamahalaang bayan ng Pulilan sa pangunguna ang ating Punong Bayan Maritz Ochoa – Montejo, Ikalawang Punong Bayan Ricardo Candido at ang Sangguniang Bayan ng Pulilan kaagapay ng ating Lokal na Information and Communication and Technology Department sa patnubay ng kanilang hepe na si G. Romel Bermejo at ang Project Management Office na pinamumunuan ni Gng. Tess Tantangco  ang ” Technology for Education, to gain Employment, train Entrepreneurs towards Economic Development o TECH4eD”.

Ang naturang Programa ay isang proyekto ng DOST, DICT at kaagapay ang LGU PULILAN na naglalayong gamitin ang ICT upang paganahin, magbigay ng kapangyarihan sa mamamayan at ibahin ang anyo ng lipunan sa paglikha ng isang kumunidad na napapabilang, at may pagkaka pantay pantay na kanayunan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga naghahanap ng trabaho at mga nagsisimulang magnegosyo. at ito ay hinati sa anim na klasipikasyon.

eEduSkills: Enabling education seekers to gain a High School Diploma through informal education;

eAssist: Providing digital and employment opportunities to vulnerable groups and marginalized communities

eAssess: Providing students  with the industry partnerships that will provide them evaluations for job-readiness

mAgri:Empowering farmers, cooperatives, agribusiness, and food processors by helping them obtain real time information price in the market

mMarketplace: Enable new competitors in the market specifically from rural communities

eGovServ: Providing citizens with the necessary government services and information

Ang misyon ay simple, gamitin ang kapangyarihan ng ICT sa lipunan patungo sa paglikha ng isang progresibong kanayunan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa mga napapabilang sa Marginalized sector ng pagkakataon, ang Tech4ED ay gumawa ng posibleng pamamaraan para sa daan-daan at libu-libong mga tao na masimulan ang kanilang negosyo, makakuha ng edukasyon, makakuha ng trabaho at gumawa ng kanilang mga unang hakbang patungo sa pagpapabuti ng kanilang mga pamilya at kagalingan, sa pamamagitan ng isang solong ICT portal sa isang TECH4eD Center.

Tunay nga na pinagpala ang ating bayan sapagkat iilan pa lamang sa buong bansa ang nabibiyayaan ng programang ito at sa katunayan sa buong lalawigan ng Bulacan ay ang bayan pa lamang ng Pulilan mayroon ng programang ito. Pag ramdam ang asenso Pulilenyo ang panalo!

Usefull Links