Upang maging mas matatag ang ugnayan sa pagitan ng sangay ng Ehekutibo at Lehislatura sa ating bayan ay nagkaroon po tayo ng Tatlong araw na Comprehensive Development Plan workshop sa tulong ni Gng. Minet Soriano. binalangkas dito ang mga plano na gagamitin ng ating Pamahalaang Bayan mula taong 2016-2019.
Sa pangunguna rin ng ating Punong Bayan Igg.Maria Rosario “Maritz” Ochoa Montejo, Pangalawang Punong Bayan Igg. Rec Candido, kasama ang lahat ng kKonsehal ng Sangguniang Bayan, at lahat ng pinuno ng mga tanggapan sa ating Pamahalaang Bayan at mga piling miyembro ng Civil Society Organization of Pulilan. Isinagawa ang pagbabalangkas ng Executive – Legislative Agenda o mas kilala bilang ELA na siyang pagbabasihan ng mga programa at gawain ng ating bayan sa susunod na
tatlong taon.Upang higit na mapaglikuran ang mga mamamayan ng Pulilan
Ang ELA na ito ay inorganisa ng DILG sa pangunguna ni Gng. Catherine L. Manalastas MLGOO katuwang ang MPDC sa pamumuno ni G. Leovigildo S. Garcia