News Archive

VIA PIA: Tagalog News: Wash and Brush station, inilunsad sa Pulilan

Feb 18, 2021

Tagalog News: "Wash and Brush" station, inilunsad sa Pulilan By Vinson F. Concepcion Published on February 17, 2021 Inilunsad sa pamilihang bayan ng Pulilan ang Wash and Brush Station na kolaborasyon ng lokal na pamahalaan, Green Antz at Colgate-Palmolive. (Shane F. Velasco/PIA 3) LUNGSOD NG MALOLOS, Pebrero 17 (PIA) -- Inilunsad sa pamilihang bayan ng Pulilan ang Wash and Brush Station na kolaborasyon ng lokal na pamahalaan, Green Antz at Colgate-Palmolive. Ayon kay Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, ito ay nabuo sa pamamagitan ng mga nakolektang basura mula sa mga plastic bottle, kutsara at tinidor, pinagbalatan o sachet ng mga sabon…


VIA PIA: Tagalog News: Tagalog News: Pabahay para sa mga walang tirahan sa Pulilan, ipapatayo ng DHUD

Feb 16, 2021

Tagalog News: Pabahay para sa mga walang tirahan sa Pulilan, ipapatayo ng DHUD By Shane F. Velasco Published on February 15, 2021  [Magkatuwang na ipapatayo ng Department of Human Settlements and Urban Development at pamahalaang bayan ng Pulilan ang 20 condominium-type na gusali para sa may 1,400 pamilyang nakatira sa mga lupang hindi nila pag-aari. (Shane F. Velasco/PIA 3)]   PULILAN, Bulacan, Pebrero 15 (PIA) -- Magkatuwang na ipapatayo ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHUD at pamahalaang bayan ng Pulilan ang 20 condominium-type na gusali para sa may 1,400 pamilyang nakatira sa mga lupang hindi nila pag-aari.…


VIA | Ronda Balita Online: Mas maaliwalas na Business One Stop Shop ng Pulilan, bukas na

Jan 29, 2021

"Mas maaliwalas na Business One Stop Shop ng Pulilan, bukas na" By RONDA BALITA Online - January 28, 2021 PULILAN, Bulacan — Mas maginhawa nang kumuha ng bago o renewal ng business permit ngayong bukas na ang pinalaki at pinaaliwalas na extension building ng munisipyo ng Pulilan, kung saan matatagpuan ang Business One Stop Shop o BOSS. Ayon kay Municipal Engineer Rose Esguerra, isa itong bagong tatlong palapag na gusali na ikinabit sa istraktura ng Legislative Building na ginugulan ng 35 milyong piso ng pamahalaang bayan. Bukod sa BOSS, dito rin matatagpuan ang mga tanggapan ng accounting, treasury at nutrition.…


VIA PIA – Tagalog News: Pulilan, unang susuplayan ng COVID-19 vaccine sa Bulacan

Jan 16, 2021

Tagalog News: Pulilan, unang susuplayan ng COVID-19 vaccine sa Bulacan  By Shane F. Velasco Published on January 15, 2021 PULILAN, Bulacan, Enero 15 (PIA) -- Tiyak nang makakakuha ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga mamamayan ng Pulilan ngayong nalagdaan na ang Tripartite Agreement sa pagitan ng Go Negosyo, AstraZeneca at ng pamahalaang bayan.   Ito ang kauna-unahang bayan na masusuplayan ng bakuna sa Bulacan.   Ayon kay Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, may inilaan na 20 milyong piso ang pamahalaang bayan para makabili ng 80 libong doses ng bakuna, para sa may 40 libong katao o katumbas ng 35-40 porsyento ng…


PABATID MULA SA TREASURER

Jan 4, 2021

PABATID MULA SA TREASURER'S OFFICE: BUSINESS PERMIT APPLICATION (New & Renewal) Petsa : ENERO 4 - 21, 2021 Oras : 8:00 ng Umaga - 5:00 ng Hapon Requirements: NEW: 1. Business Registration (DTI, SEC, CDA) 2. Locational Clearance 3. Contract of Lease (if leased) or Tax Dec. or TCT (if owned) 4. Barangay Clearance 5. Occupancy Permit (if required) 6. Sketch and photos of location of business RENEWAL: 1. Business Registration (DTI, SEC, CDA) 2. Contract of Lease (if leased) or Tax Dec. or TCT (if owned) 3. Barangay Clearance 4. ITR of prior year or Affidavit of Gross Sales…


VIA PIA: Tagalog News: Karne ng kuneho, isinulong na alternatibo sa tinamaan ng ASF

Dec 14, 2020

Tagalog News: Karne ng kuneho, isinulong na alternatibo sa tinamaan ng ASF By Shane F. Velasco Published on December 10, 2020 PULILAN, Bulacan, Disyembre 10 (PIA) -- Sari-saring putahe ng karne ng kuneho ang magkakasabay na iniluto ng mga kinatawan ng 19 na barangay ng Pulilan.   Ayon kay Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, layunin ng isinagawang  Kalutong Pulilenyo 2020 na mapaigting ang pagsusulong na maging alternatibo ang karne ng kuneho sa mga nag-aalaga ng baboy na tinamaan ng African Swine Fever o AF.   Bukod dito, hangad ng pamahalaang bayan na maging unti-unti ang pagtangkilik sa karne ng kuneho upang mabawasan…


PIA Tagalog News: Fiber internet, ikinabit sa bawat barangay sa Pulilan

Nov 27, 2020

Tagalog News: Fiber internet, ikinabit sa bawat barangay sa Pulilan By Shane F. VelascoPublished on November 26, 2020 PULILAN, Bulacan, Nobyembre 26 (PIA) -- Inilatag na sa bawat barangay ng Pulilan ang fiber-optic cable upang maging matatag at malakas ang sagap ng internet para sa online classes ng mga mag-aaral dito.   Sa panayam ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa episode ng Network Briefing News ngayong Huwebes, sinabi ni Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo na naglaan ng 20 milyong piso ang pamahalaang bayan para sa proyektong ito na bahagi ng Pulilan Integrated Communication Network kung saan mahigit dalawang libong mahihirap na…


PIA:Triple-A na pagtugon ng Pulilan laban sa COVID-19, inilahad

Oct 27, 2020

VIA: Philippine Information Agency Tagalog News: Triple-A na pagtugon ng Pulilan laban sa COVID-19, inilahad By Shane F. VelascoPublished on October 26, 2020 PULILAN, Bulacan, Oktubre 26 (PIA) -- Sentro ng paglaban ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pandemya ng coronavirus disease o COVID-19 ang tinaguriang Triple-A na istratehiya na nakasentro sa mass testing, pagpapatuloy ng kabuhayan kahit hindi lumalabas, seguridad sa pagkain at patuloy na pag-aaral. Sa ginanap na Leaders In Focus online media forum ng Philippine Information Agency, tinukoy ito ni Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo bilang Aggressive COVID-19 Mass Testing Action Plan o ACAP, Aggressive E-Learning for Pulilenyos…


MAHALAGANG PABATID SA PUBLIKO: Executive Order No. 39 GENERAL COMMUNITY QUARANTINE (GCQ) FROM AUGUST 19 UNTIL AUGUST 31, 2020

Aug 20, 2020

MAHALAGANG PABATID SA PUBLIKO:Para po sa kabatiran ng lahat... #MOMCares#PAIO#PleaseShare Executive Order No. 39Series of 2020 AN ORDER ADOPTING EXECUTIVE ORDER NO. 28, SERIES OF 2020 ISSUED BY THE HONORABLE GOVERNOR OF THE PROVINCE OF BULACAN DANIEL R. FERNANDO AND PROVIDING THE COMPREHENSIVE COVID-19 COMMUNITY QUARANTINE GUIDELINES IN THE MUNICIPALITY OF PULILAN UNDER THE GENERAL COMMUNITY QUARANTINE (GCQ) FROM AUGUST 19 UNTIL AUGUST 31, 2020 WHEREAS, Article II, Section 15 of the Philippine Constitution provides that the State shall protect and promote the right to health of the people and instill health consciousness among them; WHEREAS, on 17 August 2020,…


Usefull Links