Motortrade Food Pack Distribution

MARAMING SALAMAT, MOTORTRADE! 🏍️

Hulyo 28, 2024 — Nagpamahagi ang Motortrade ng mga grocery bags sa mga pamilya na may naitalang underweight na bata, o mga batang kulang ang timbang. Ang nasabing aktibidad ay naisagawa sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare and Development Office katuwang ang Municipal Nutrition Office at LLN (Lingkod Lingap sa Nayon), na nakatuwang din nila sa pangangasiwa ng programa.

Sa nasabing programa ay matagumpay na nakapagpamahagi ang motortrade ng grocery bags sa higit 150 na pamilyang pulileño.

Ito ang ikatlong taon ng Motortrade ng pagsasagawa ng food package distribution sa bayan ng Pulilan bilang selebrasyon sa kaarawan ng kanilang founder na si Mr. Vincent N. Ongtenco.

Usefull Links