Mga dapat malaman sa pagpapabakuna

MGA DAPAT MALAMAN SA PAGBABAKUNA A. MGA HAKBANG BAGO MAGPABAKUNA
  1. MAGPALISTA ONLINE sa https://momcares.pulilan.gov.ph/iregister.
  2. KUMUHA NG QR CODE sa https://qr.pulilan.gov.ph .
  3. MAGHINTAY NG SCHEDULE sa text, tawag, o pasabi ng Barangay.
  4. MAGSADYA SA VACCINATION SITE sa itinakdang petsa at oras dala ang karampatang ID. 
B. MGA PAALALA
  1. I-lista ang tamang impormasyon.
  2. Ang prayoridad sa kasalukuyan ay mga taga-Pulilan sa kategorya na:
    • A1 (Healthworkers);
    • A2 (Senior Citizens),
    • A3 (Adults with Controlled Comorbidities).
  3. Magdala ng Government-Issued ID na ang address ay Pulilan
  4. Ang naka-schedule lamang ang mababakunahan.
  5. Magpa-schedule muli kung di makakarating sa itinakdang araw o oras ng pagpapabakuna.
  6. Magsadya sa Municipal Health Office (MHO) o sa Barangay kung hindi makakapagpalista online.
  7. Kung nakapagpalista na at nasa kategoryang A1, A2, o A3, magsadya sa MHO (Lunes-Biyernes, 8:00nu – 5:00nh) upang makakuha ng schedule. 

Sapagka’t ang suplay ng bakuna sa ngayon ay nagmumula sa National Government, mahigpit na ipinatutupad ng DOH ang pagbibigay prayoridad muna sa Kategoryang A1, A2 at A3. 

Sa pagdating sa mga susunod na buwan ng 80,000 doses ng Astra Zeneca Vaccine na inangkat ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan, ang bawat “eligible vaccinee” na Pulilenyo sa anumang kategorya, ay maaari nang mabakunahan. 

PARA SA MGA KATANUNGAN: 

Municipal Health Office

Mobile Numbers:

  • (0917-164-2186);
  • (0917-164-4701);
  • (0917-164-7196);
  • (0917-163-1749);
  • (0917-164-4691)

Email: municipalhealthoffice.pulilan@gmail.com;

Public Affairs and Information Office (PAIO):

Mobile Number:(0995-201-4170)

#MOMCares
#Vaccination2021
#PAIO
#PulilanMHO
#MunicipalHealthOffice
#PleaseShare

Usefull Links