Ika-229 Guning-Taon ng Pagkakatatag ng Bayan ng Pulilan

Enero 20, 2025 | #229thPulilanFoundationDay

Bilang paggunita sa Ika-229 Guning-Taon ng Pagkakatatag ng Bayan ng Pulilan, ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Punong Bayan Maritz Ochoa-Montejo (MOM), ay nagsagawa ng Misa ng Pasasalamat sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador kasunod ang isang maikling palatuntunan sa Pambayang Liwasan.

Dinaluhan ito ni Bokal Romina Fermin bilang Panauhing Pandangal, mga opisyal at kawani mula sa Pamahalaang Bayan at mga Barangay, gayundin ang iba’t-ibang grupo mula sa Bayan ng Pulilan.

Mabuhay ang Pulilan sa kanyang ika-229 na taon!

Usefull Links