MGA DAPAT MALAMAN SA PAGPAPABAKUNA LABAN COVID-19.
“BAKIT DAPAT MAGPABAKUNA?”
-Karagdagan sa paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield at pagsunod sa social distancing, ang BAKUNA ay magbibigay ng ganap na proteksyon laban COVID-19.
“ANONG BAKUNA ANG GAGAMITIN SA PULILAN?”
-Mayroon nang inangkat ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan na paunang 80,000 ASTRA ZENECA VACCINES para sa 40,000 Pulilenyos at may ibibigay pang ibang brand ng bakuna ang Pamahalaang Panlalawigan sapat na upang mabakunahan sa taong ito, ang 70% Pulilenyo na edad 18 taong gulang pataas.
“PAANO MAKAPAGPAPABAKUNA NG “LIBRE”?”
1. MAGPAREHISTRO sa www.momcares.pulilan.gov.ph, sa Rural Health Unit (RHU), sa Barangay Hall o sa Municipal Health Office upang makakuha ng iskedyul ng pagpapabakuna.
2. KUMUHA NG QR CODE pag nakarehistro na. Ipapakita ito sa araw ng bakuna. (Kung wala pang QR CODE, magrehistro lamang sa www.qr.pulilan.gov.ph)
3. HINTAYIN ANG ISKEDYUL sa text, email o tawag sa nirehistrong contact number.
4. PAGHANDAAN ANG PAGPAPABAKUNA, tamang pagkain at pahinga upang di magkasakit bago bakunahan.
SA IBA PANG KATANUNGAN TUMAWAG SA MGA SUMUSUNOD:
-Patungkol sa Bakuna – Municipal Health Office (MHO) Hotline:
(0917-164-2186, 09171644701, 0917-164-7196, 0917-163-1749 at 0917-164-4691)
-Patungkol sa Pulilan Protect – Municipal Information Technology Office (MICTO) – (044-764-9398)
– At sa iba pang katanungan – Public Affairs & Information Office (PAIO) – (0995-201-4170)