VIA PIA: Tagalog News: Wash and Brush station, inilunsad sa Pulilan

Tagalog News: “Wash and Brush” station, inilunsad sa Pulilan

By Vinson F. Concepcion Published on February 17, 2021

Inilunsad sa pamilihang bayan ng Pulilan ang Wash and Brush Station na kolaborasyon ng lokal na pamahalaan, Green Antz at Colgate-Palmolive. (Shane F. Velasco/PIA 3)

LUNGSOD NG MALOLOS, Pebrero 17 (PIA) — Inilunsad sa pamilihang bayan ng Pulilan ang Wash and Brush Station na kolaborasyon ng lokal na pamahalaan, Green Antz at Colgate-Palmolive.

Ayon kay Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, ito ay nabuo sa pamamagitan ng mga nakolektang basura mula sa mga plastic bottle, kutsara at tinidor, pinagbalatan o sachet ng mga sabon at shampoo at candy wrapper na ginawang eco-bricks ng product and technology developer na Green Antz.

Ang mga nabuong bricks ay ang siyang ginagamit na materyales sa paggawa ng lababo na kumpleto sa gripo at suplay ng tubig.

Target din maglagay ng kahalintulad na pasilidad sa 17 pampublikong paaralan at 19 barangay ng munisipalidad. (CLJD/VFC-PIA 3)

Source: https://pia.gov.ph/news/articles/1067159?fbclid=IwAR29TgVkdhfucRsngkbmAV0ucTaXWHLcKtF8pN_pdNuYiaTx8-olyTUHgpo

Usefull Links