Tagalog News: Pulilan, unang susuplayan ng COVID-19 vaccine sa BulacanÂ
Published on January 15, 2021
PULILAN, Bulacan, Enero 15 (PIA) — Tiyak nang makakakuha ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga mamamayan ng Pulilan ngayong nalagdaan na ang Tripartite Agreement sa pagitan ng Go Negosyo, AstraZeneca at ng pamahalaang bayan.
Â
Ito ang kauna-unahang bayan na masusuplayan ng bakuna sa Bulacan.
Â
Ayon kay Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, may inilaan na 20 milyong piso ang pamahalaang bayan para makabili ng 80 libong doses ng bakuna, para sa may 40 libong katao o katumbas ng 35-40 porsyento ng populasyon hg Pulilan. Prayoridad dito ang mga may edad na 16 na taong gulang pataas.
Â
Target maipadeliver sa Pulilan ang mga bakuna sa susunod na tatlong buwan habang tinatayang makakapagbakuna na sa third quarter ng 2021.
Â
May inisyal na walong refrigeration facilities ang binili ng pamahalaang bayan habang kinakausap na ni Montejo ang mga pribadong planta sa Pulilan na may kakayahan sa refrigeration upang makapag-augment sakaling kailanganin ng karagdagang mga pasilidad.
Tiniyak naman ng Municipal Health Office na well-trained at eligible ang kanilang mga medical practitioners na magsagawa ng bakuna.
Â
Inanunsiyo rin ng punong bayan na upang mapawi ang pangamba ng mga taga-Pulilan sa bakuna, ipiniprisinta niyang mauna siya at ang kanyang pamilya na magpaturok ng bakuna sa oras na ito’y dumating na.
Â
Nagkaroon ng kakayahang makabili ng bakuna ang pamahalaang bayan ng matapos magpasa ng ordinansa ang Sangguniang Bayan nito na nag-realign o naglipat ng pondo para sa partikular na pagprayoridad sa pagbili ng naturang bakuna.
Â
Ang ginawang ito ng Sangguniang Bayan ay naaayon sa probisyon ng Republic Act 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act na nagpapahintulot sa mga pamahalaang lokal na magre-align ng mga lokal na pondo para sa lalong pagpapaigting ng paglaban sa COVID-19. (CLJD/SFV-PIA 3)
Link:Â https://pia.gov.ph/news/articles/1063871?fbclid=IwAR3FVgiOrlexZY175N0BCcKSIdo9h39Xd9FpMuItLYT-S8QqS7KrINmwA6o
Â