PABATID MULA SA MUNICIPAL SOCIAL WELFARE & DEVELOPMENT OFFICE (MSWDO):
Â
Mga Dapat Malaman Ukol sa Social Amelioration Program (SAP) – 2nd Tranche
Â
1. Ang mga kwalipikadong benepisaryo na makakatanggap ng 2nd tranche ay may makukuhang text message mula sa GCASH. Hindi kailangang gumawa ng GCASH account. Hintayin ang reference number na itetext ng GCASH at magpunta sa GCASH outlets at partner remittance center tulad ng Villarica at Tambunting Pawnshop
2. Paano kung walang cellphone number na nailagay sa SAC form? (2nd tranche beneficiaries) Hintayin ang pamamahagi ng inyong reference numbers upang makuha ang inyong ayuda sa itatakdang remittance centers. Sa ngayon ay hinihintay pa natin ang reference numbers na ibibigay ng DSWD Region III
3. Ano ang gagawin kung nasira ang inyong SIM card o nawala ang inyong cellphone? Magpunta sa inyong barangay upang ipatala ang inyong hinaing. Dalhin ang inyong SAC form upang mailista ang SAC form number
4. Paano kung wala pang natatanggap na text mula sa GCASH? Maghintay po lamang dahil hindi po sabay-sabay ang pagbaba ng reference numbers.
5. Paano kung walang valid ID ang benepisaryo? Kumuha ng barangay certification sa inyong barangay. Ito po ay dapat na orihinal, pirmado ng inyong Punong Barangay at ng Puno ng MSWD Office.
6. Mahigpit na tagubilin: Hindi maeexpire ang inyong reference numbers, huwag po ito burahin at ingatan. Sundin po natin ang physical distancing dahil higit sa lahat, ang inyong kaligtasan laban sa COVID 19 ang mas mahalaga.
-Maraming Salamat Po!
Â